Bakit ba pinipilit ng isang tao na ipush ang kanyang sarili sa maling tao? Hindi na siya natuto sa mga pagkakamali na nagawa niya noong nakaraang mga Bakit ba pinipilit ng isang tao na ipush ang kanyang sarili sa maling tao? Bakit pinipilit niya magstay sa isang tao na ang kaya lang naman na ibigay sa kanya ay ang pagiging kaibigan? Umaasa ka ba na may hihigit pa ang inyong pakikipagkaibigan sa isang intimate na relasyon? Gagawin mo ba ang lahat upang makuha mo ang kanyang sagot na Oo?
Siguro ang ilan sa inyo ay nabiktima na ng friendzone society. Hindi natin ito agad namamalayan kasi syempre makikipagkaibigan muna tayo sa isang tao upang maging kaclose natin siya. Gagawa ng mga masasaya mga bagay na tila ay wala kayong problema na iniintindi. Yung parang gusto mo na hindi nalang matapos ang mga masasayang pangyayari na ito. Hinahanap mo yung presensya niya.
Dumaan ang ilang araw ng masasayang pangyayari, nagtapat ka na ng iyong nararamdaman. Sinabi niya sa iyo na hindi pa siya handa sa mga ganoong bagay. Pagaaral ang kanyang binibigyang pansin sa ngayon. Siguro tama nga siya. Hindi ko muna siya gagawan ng motibo para hindi rin ako masaktan. Alam ko may mas magandang plano si Lord kung bakit hindi niya ako pinahintulutan na dumating sa puntong pumasok sa relasyon.