Batas Trapiko
Ano ang Batas Trapiko?
REPUBLIC ACT NO. 4136 - Ito ay isang batas na naglalayong pagsama-samahin ang mga batas ukol sa land transportation at mga patakaran sa trapiko, upang maitatag ang isang Land Transportation Commission, at para sa iba pang layunin.Ang batas trapiko ay naglalayong magbigay ng kaayusan, kaligtasan, at seguridad sa ating mga lansangan. Anumang drayber o motorista na sumusuway sa batas ay maaaring maparusahan.
Ano ang mabubuting dulot ng batas trapiko?
- Mapapaganda ang kaayusan at kaligtasan sa ating mga kalye.
- Ang mga tao ay susunod sa tamang pagtatawid at hindi na magmamaneho habang nalalasing.
- Magiging kumportable ang mga manlalakbay dahil sa kawalan ng mga paglabag.
- Mahalaga rin ang pakikibahagi sa "ANTI-SMOKE BELCHING" na layuning bawasan ang malalang polusyon sa hangin dulot ng itim na usok mula sa mga sasakyan.
- Mabababawasan ang mga aksidente dahil sa mga malinaw na babala at pasikut-sikut sa gilid ng kalsada.
Iba't-ibang halimbawa ng Batas Trapiko sa Pilipinas
- Hindi pinapayagan ang paggamit ng cellphone habang nagmamaneho.
- Ipinagbabawal ang pagmamaneho para sa sinumang walang lisensya o lasing dahil sa alkohol. Ito ay nakapanganib at maaaring makasakit ng iba kaya may malubhang parusa.
- Habang nagmamaneho, laging gawing tungkulin na magsuot ng seatbelt. Gumamit ng child seat kapag may sakay na batang wala pang 6 na taon.
- Dapat magsuot ng helmet kapag sakay ng motorsiklo.
- Ang mga bisikleta at sasakyan ay dapat dumaan sa kanang bahagi ng kalsada.
- Kapag may babala o senyas na pansamantalang huminto, sundin ito at tumingin muna sa kaliwa't kanan bago tumawid.
- Paunahin ang mga taong tumutawid bago dumaan sa tawiran.
- Laging gumamit ng tamang tawiran o overpass kapag tumatawid. Kung wala, tiyaking walang darating na sasakyan bago tumawid.
- Ang mga bangketa ay para lamang sa mga taong naglalakad. Ipinagbabawal ang pagdadaan ng mga sasakyan tulad ng motorsiklo at bisikleta.
No comments:
Post a Comment