Ito ang ilan sa mga paraan upang mapangalagaan ang dignidad ng isang tao.
Alamin at maging kuntento sa kailangan at gusto. Huwag gastusin ang pera sa mga walang kabuluhang bagay. Maging kuntento at matipid kung hindi naman kinakailangan ang bibilhing gamit o pagkain.
Magbigay sa kapwa ng walang hinihinging kapalit. Tanggapin at magpasalamat sa kapwa kung ano ang ibinigay niya. Huwag natin mahalin ang ating kapwa din may ibinigay ito sa atin na materyal na bagay.
Huwag maliitin ang isang tao. Lahat ng tao ay may sariling kakayahan at talento. Dapat natin itong igalang dahil ibinigay ito ng Diyos sa bawat isang tao. Pumapasok na din dito ang panghuhusga natin sa kapwa. Hindi natin nararapat na husgahan ang isang tao dahil nakagawa lamang siya ng isang magling bagay.
Huwag gumawa ng ikakasama ng kapwa. Huwag gumawa ng magdudulot ng away o problema dahil lamang sa simpleng bagay.
Tumulong sa kapwa. Huwag tayo maging makasarili. isipin ang kailangan ng isang tao. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay tayo lamang ang masusunod. May limitasyon ang pagtulong sa kapwa dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay mayroon tayong maibibigay sa kanila. Kailangan din natin magtira para sa atin mga sarili.
"Mahalin mo ang iyong kapwa katulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili."
Source:
Magandang opinyon iyon
ReplyDelete👍
Delete